Pinupuri ka namin Panginoon, Kayo ay lunikha ng lahat ng bagay dito sa mundo, Humihingi po kami ng inyong kapatawaran sa lahat ng aming mga kasalanan, maliit man o malaki, Inaamin po namin ang aming pagkakasala sa isip, salita at sa gawa, at aming pagkukulang sa anak, pamilya, kaibigan, kalikasan at maging sa'yo AMA. Patawad po, Ngayon po ako'y dumudulog sa iyo AMA hindi para sa aking sarili kung hindi para sa aking mga KABABAYAN NA NASALANTA NG TYPHOON YOLANDA sa kabisayaan at lahat ng apektadong lugar. Ako po'y naging masuwerte sampu ng aking pamilya na hindi dinaanan ng bagyo ang aming lugar sa LUZON - parteng Rizal. Hindi man ako makatulong pinansyal sa kanila AMA ang sagot ko naman po ay DALANGIN para sa kanilang lahat na nagdarahop, nasasaktan at dapang-dapa ngayon AMA hilumin mo po ang kanilang mga sugat, at tulungan mo silang lampasan ang kanilang mga PASANIN AMA. Sa iyo ko po sila idunudulog sapagkat ikaw lang po ang makakatulong sa kanila, hindi ang mga materyal na bagay na madaling maubos, mawala. Kaawaan mo kami PANGINOON. Ipinapanalangin ko din po ang mga nawalan ng BUHAY lalo na ang mga bata AMA. Nawa'y magsilbing aral ito sa amin na kayo ang dapat namin SAMBAHIN at pag-tuunan ng pansin, sa mga nakakalimot sa'yo AMA hipuin mo po ang kanilang puso upang mag-balik loob sa'yo. Ang lahat po ng ito ay aking dinudulog sa 'yo sa in JESUS NAME. AMEN