Imelda
Imelda Francia
May 12, 2015

Prayer Request

Diyos ko ang lahat po ay aking ipinagkakatiwala sa Iyo. Ikaw na po ang bahalang gumabay sa bawat gawain namin dito sa lupa. Ang lagi ko pong panalangin- bigyan kami lagi ng lakas ng katawan, isipan, at loob para araw araw po naming magampanan ang mga iniatas mo sa amin. Bigyan po ninyo kami ng tulong sa bawat pangangailngan namin. Dasal ko po na magkaroon na ng trabaho ang aking anak na nakalaan para sa kanya, makapag- enrol po ngayong pasukan ang aking dalawa pang anak. Diyos ko ibless Mo po lagi ako- ang nanay ko, ang tatlo kong anak, at lahat ng mga mahal ko. Diyos ko ikaw na po ang bahala. Bigyan Mo po lagi kami ng biyaya, malusog at magandang buhay. Ipinapanalangin ko din ang mga mahal namin sa buhay na yumao na- lalo po ang aking kabiyak- ang aking tatay- mga lolo at lola- tiyo at tiya- lahat po sila naway maligaya na po sila sa piling Mo. Ang lahat po ng ito ay iniaalay ko sa Iyo- kasama ng Espiriu Santo, sa panalangin ni Inang Birhen Maria. Amen.